Sunday, September 30, 2007

Bb. Miranda.

ang mga tula at maikling kuwento na nasa baba ay aking sariling gawa at galing sa aking isip. Puro opinyon ko ang mga iyan at wala akong pinapakinggan. para lamang ito sa aking proyekto. :)

Bb. Miranda,

Magandang araw, ngayon na nababasa niyo ang aking mga "posts." eto na po ang proyekto na aking ipapapasa para sa markahang ito :) maraming salamat po at maganda araw!

Maria Dominique P. Chua
I-2

MAIKLING KUWENTO 2

TADHANA
ni: Maria Dominique P. Chua
Sa isang malayong lugar sa probinsya ng Batangas nakatira sina Robert at Maria. Sina Robert at Maria ay matagal ng magkatrabaho sa isang pabrika sa bayan. May itinatagong pagnanais si Robert kay Maria ngunit hindi niya malaman kung paano niya ipapakita ang pagnanais niyang iyon.

Sa katagal-tagal na pagtratrabaho ni Robert sa pabrika, napansin ng kanyang maneyger ang kakaibang kagalingan ni Robert sa pagtratrabaho. Nabigyan ng mas mataas na posisyon si Robert sa pabrika na kung saan nagkalayo ang magkaibigang si Robert at Maria. Nalungkot din si Maria sa pagkakataong ito dahil pinagkatiwalaan ni Maria si Robert at sa katagalan ay may tinatagong pagmamahal.

Isang araw, nagkaroon ng isang anunsyo sa kanilang pabrika. "Magkakaroon tayo ng pistahan sa susunod na linggo, inaasahan ko na magdadala kayo ng paboritong niyong pagkain sa kapistahan natin bilang pagpapakita ng pagsasamahan dito sa pabrika." sabi ng kanilang bosing. Laking tuwa nina Robert at Maria dahil dito na lamang sila magkakasama muli.


Isang linggo bago ang kapistahan pumunta si Robert sa bahay ni Maria. Pagkadating niya sa bahay,
"Magandang gabi Maria, maari ba kitang makausap" ayon ni Robert.
"aba, oo naman. ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni Maria.
"Maria, alam mo naman na matagal na ang pinagsamahan natin bilang magkaibigan. Nasa isip ko laman na, hanggang dito na lang ba tayo o may pagasa pa tayo na magkasama habang buhay. naiintindihan mo naman ang nais kong ibahagi sayo diba, Maria?" binigkas ni Robert. "
"ah eh, oo naman. teka, linawin mo naman kahit ng onti, medyo naguguluhan pa ako eh. nais mo bang sabihin sa akin na niyayaya mo akong pakasalan kita?" pagdududa ni Maria.
"oo, kung papayag ka." dagdag ni Robert.
"oo naman, matagal ko na rin inaantay ang pagkakataong ito. matagal na rin kitang minahal bilang matalik na kaibigan at ngayon ay pumapayag ako na maging asawa mo. mahal na mahal kita Robert." laking tuwang sinabi ni Maria.
"ay salamat! Maria, pangako na iingatan ko ang puso mo at hinding-hindi kita lolokohin. magsasama tayo habang buhay. Mahal na mahal din kita Maria." sabi ni Robert.

At dahil dun, sa araw ng kapistahan nila sa pabrika, ibinahagi na rin ni Robert at ni Maria ang kanilang desisyon na magpakasal sa iba pa nilang kasamahan. Natuwa rin ang mga tao dahil sa wakas, natupad na mga pangarap nila.


Matapos ang isang buwan ng pagkakasal ni Robert at Maria, nagkaroon sila ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Miguel. Hanggang sa huli, nagsama si Robert at Maria. Natural sa mag-asawang ito na mag-away pero ginawa nilang insiparasyon ang unico iho nila na si Miguel na nagpatatag na kanilang samahan na nakapagbigay daan sila sa isang mapayapa at matagumpay na buhay.


~wakas~

Saturday, September 29, 2007

MAIKLING KUWENTO 1

TUNAY NA MAGKAIBIGAN
ni: Maria Dominique P. Chua
Sa isang lugar sa Maynila, may magkaibigan na madalas magsama araw-araw. Pagkakamalang kambal sila o magkapatid dahil sa kanilang kakaibang pagsasama simula bata. Sila ay menor de edad na kung saan ay nabubuhay sa mundo ng kabataan.

Nasa mataas na paaralan ang magkaibigang ito. Madalas ay kung tawagin silang "best buds". Tinatawag sila ng iba pa nilang kaibigan sa kanilang palayaw na May at Sandy. Magkasama ang dalawang ito sa klase at tuwing may proyektong gagawin, silang dalawa lagi ang magkapares.

Ngunit isang beses, nasapilitang maghiwalay ang dalawa dahil ang kanilang guo ang pumili ng magiging kagrupo nila. Habang pumipili ang kanilang guro, nagkuwekuwentuhan sina May at Sandy at nangangarap na sana maging magkagrupo sila. Nang dumating ang oras ng pagbabanggit ng kanilang grupo, nalaman nila na hindi sila magkagrupo. Si May ay napunta sa mga sosyal at matatalino, habang si Sandy naman ay napunta sa mga iresponsableng mga kaklase nila. Laking lungkot ng dalawa.

Makalipas ang ilang Linggo, nabawasan ang panahon ng pagsasama nina May at Sandy. Napapadalas si May na sumama sa kanyang mga kagrupo habang si Sandy ay napapasama sa mga iresponsable. Napansin ito ng marami at nagulat. Hindi na rin nagbabatian ang dalawang magkaibigan. Nang dumating ang kanilang "sem-break", wala pa ring nangyari sa kanila.

Isang dikanaisnais na pangyayari ang naganap sa buhay ni May. Napalayas sa trabaho ang kanyang ama dahil sa pagkalugi ng kompanyang pinagtratrabahuan. Naging gipit sa pera ang pamilya ni May. Nalaman ito ng kanyang bagong mga kaibigan. Biglang iniwan siya at nilait na "yuck, mahirap na si May?! ewww..." nasaktan ang kalooban ni May at di mapigilan ay umiyak sa isang parte ng silid aralan. Napansin iton ni Sandy at agad na nilapitan si May. Ikinuwento ni May ang nangyari pati na rin ang paglalait na ginawa ng iba pa niyang kaibigan.

"iniwan nila ako dahil, mahirap na raw ako." sabi ni May.
"alam mo May, kahit na mahirap ka man o mayaman, nandito ako bilang matalik mo na kaibigan. Hindi mahalaga sa akin ang materyal na bagay kung hindi ang iyong personalidad kaharap ng tao. Andito lang ako para iyakan mo, May." sabi ni Sandy.
"Salamat, Sandy. Maasahan talaga kita kahit kailan." sagot ni May.


Nabalik ang kanilang pagiging matalik na kaibigan dahil napakita nila na ang materyal na bagay ay hindi magala kng hindi ay ang maging tapat at totoo ka sa kapwa tao. :)
~wakas~

KAIBIGAN

Ikaw Lamang
ni: Maria Dominique P. Chua


Simula bata, magkakilala na tayo.
Matagal na rin ang ating pinagsamahan.


Kung minsan, tayo'y nagaasaran.
Bawat segundo ng ating pagsasama,
aking pinahahalagahan,
dahil ganyan kita kamahal--kaibigan.


Ikaw lamang ang aking pinagkatiwalaan,

sa dami ng aking naging kaibigan,
Ikaw lamang ang MATALIK kong kaibigan.
Sayo lang ako bukas at tapat.


Hanggang sa ngayon
Magkaibigan pa rin tayo.
Walang makapaghihiwalay sa atin
Kahit na tamaan pa tayo ng kidlat.


Hinding-hindi ko makakalimutan
ang masasayang alaala nating dalawa.
Sapagkat mahalaga ka sa akin,
tinuruan mo akong maging bukas at tapat sa kapwa. :)




Pagpapalaganap:
Mahirap makahanap ng matalik na kaibigan ngayon dahil mahirap pagkatiwalaan ang isang tao na sandali mo pa lamang nakikilala. Ngayon, may mga tao na maraming kaibigan ngunit isa lamang sa mga tao na iyon ang kanyang pinakapinagkakatiwalaan. Ang tunay na magkaibigan ay yung mga tipo ng tao na bukas at tapat sa isa't-isa na kaya niyang sabihin sa kanyang kaibigan kung may mali sa kanya o wala. Mahirap na lamang talaga ang makahanap ng ganoong tao, pasalamat na lamang ako at sa buhay ko Assumption, ay may nakilala akong ganon. Hindi ko na lamang babanggitin ang kanyang pangalan pero nagpapasalamat na lang talaga ako at nakilala ko siya at ngayon ay Matalik ko siyang Kaibigan. :)

PAGIGING TOTOO

AUTORIDAD
ni: Maria Dominique P. Chua


Sino nga ba sila?
Matatalino, ngunit tabinge kung minsan.

Hindi natin malaman,
Ang katotohanan sa kanila.


Mataas na posisyon ang hawak,

Ulo lagi ang ginagamit.
Simpleng pag-aalay sa kapwa,
Hindi nila magawa.


Palibhasa raw maraming ginagawa,
hindi niya mabigay ang kanyang oras sa kapwa.
Wala ng ginawa kung hindi magutos,
Madalas din gumastos.


Sana lang mabuksan ang kanilang puso.
Na sana'y mag-magandang loob na tumulong,
Simpleng kahilingan ng kapwa,
Sagot ay nasa kanila.




Pagpapalaganap:
May mga tao sa ating bansa ngayon na ating pinagkatiwalaan nung una. Inasahan natin na sila ang magiging sagot sa ating mga problema dahil na rin sa mataas na edukasyon nila. Ngunit, bakit hanggang ngayon walang nangyayari, patuloy ang may naghihirap. Inasahan natin na magkakaron ng magandang pagbabago, ngunit sa kanikanilang kumpo ay nag-aawayaway dahil sa maling pagkakaintindihan. Nasa kanila na lamang talaga kung ano ang gusto nilang gawin. Kahit anong paraan pa tayong mga mamamayan ay gustong tumulong, nasa kanila, mga AUTORIDAD ang sagot. Mahirap nga talaga ang buhay, tila kailangan nating magsumikap upang may magawang maganda para sa ating bansa. :)

EMOSYONAL

Ito lang ang Masasabi ko...
ni: Maria Dominique P. Chua


Magpakatotoo sana tayo,
bakit tayo nagpapanggap?
Katotohanan ang kailangan natin,
upang Magtagumpay!


Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?
Panay utos mo sa akin,
Nahihirapan na ako.
Isipin mo naman ang aking kaligiyahan.


Naibigay ko na ang lahat ng kaya ko,
Wala na akong maibibigay pa.
Panahon para magpahinga,
iyan na lamang ang aking mahihiling pa.


Kelan ba? Kelan ba darating ang oras?
Oras para sa akin.
Mistulang puro trabaho na lamang,
ang nasa aking isipan.


Hirap na ako, pati na rin ikaw.
Magpahinga na tayo kung puede lang.
Tao ikaw at ako,
Ngunit ginagawa tayong mga robot.


Sana ay dumating ang araw,
kung saan lahat tayo'y nagsasaya.
Wala na akong hihilingin pa,
Kung hindi, ikaw-- Aking matalik na Kaibigan.




Pagpapalaganap:
Sa panahon ngayon, nawawalan na tayo ng panahon para magpahing dahil sa dami ng ginagawa. Ngunit, dapat alalahanin natin na gumawa ang DIYOS ng araw para magpahinga kaya't karapat dapat din tayong magpahinga matapos ang nakakapagod na araw. Kung minsan din nakakalimutan natin ang mga tao sa ating paligid dahil sa trabaho. Mas nabibigyang atensyon na natin ang trabaho kesa sa mga mahal natin sa buhay. Sana lang magbigay tayo ng panahon upang makasama ang ating mga mahal sa buhay at ipsantabi natin kahit panandalian lamang ang trabaho at magsaya kasama ang ating mga mahal sa buhay. :)

KRISIS

Pilipinas, ating ayusin muli.
ni: Maria Dominique P. Chua


Ano na ba itsura ng ating bansa?
Sa paligid-ligid mo, natutuwa ka pa ba?
Bakit nagkakaganito ang ating kapaligiran?

May magagawa pa ba tayo?


Munting mga bata, kawawa.
Araw-araw basura'y kinakalkal,
Edukasyon nila'y nababaliwala.
Dahil sa mistulang kahirapan sa buhay.


Ano na nga ba ang ating magagawa?
Maayos pa ba ang lahat ng ito?

Kelan pa? Buhay nila,
nakasalalay sa ating mga kamay.


Tara na't kumilos,
patungo sa kaginahawaan.
Kaunting Konsiderasyon at pagkakaisa,
Makababago ng buhay ng iba.


Buhay ay biyaya sa atin mula sa itaas,
Magtulungan tayo upang maayos
ang buhay ng iba.
Iaahon natin mula sa kahirapan,
Ang bansang ating sinilangan -- Pilipinas.




Pagpapalaganap:
Mistulang kakaiba na ang aking nakikita tuwing mapapatingin ako sa labas ng bintana ng aming kotse. Kahit anong gawin, may mga tao pa ring naghihirap sa buhay. Basura kinakain nila, dahil sa kakulangan sa pera. May nakikita pa nga ako na mga sanggol, bitbit-bitbit ng ina habang namamalimos sa kalsada. Ganito na nga ba ang pagtrato natin sa mga tao ngayon? May magagawa pa tayo sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbibigay ng kaunting bahagi ng ating mga biyaya. Bakit hindi natin sila tulungan, tao pa rin naman sila. Tratuhin natin sila kung paano natin tinatrato ang ating mga sarili. Wag natin silang maliitin dahil sa mahirap sila, mahalin natin sila dahil higit nilang kinakailangan ang isang kaibigan sa buhay para maging masaya. :)

Friday, September 28, 2007

PANITIKAN

PANITIKAN
ni: Maria Dominique P. Chua

Kelan pa ba tayo matututong magpahayag,
Ng damdamin sa ating isipan at puso?
Panahon na't para magsalita
Upang maipahayag ang katotohanan!


Panitikan, ating palaganapin
Gamit ang ating munting kaisipan
sa pagpapahayag ng saraling damdamin.
Gamitin mo ang sariling kakayahan!


Ngunit bakit kung minsan,
Tayo'y nahihiya? nagtatago? natatakot?
na magpahayag,
Bakit hindi natin ipakita sa kanila,
na kaya nating panindigan ang ating sarili!


Tayo'y mga Pilipino, Na may sariling wika't kultura.

Palaganapin ito sa simpleng pagpapahayag,
Tula, Kawikaan, Kuwento, Bugtong, atbp.
-- ATIN ITO!





Pagpapalaganap:
Kung minsan, nahihiya tayong ipahayag ang katotohan dahil na rin sa takot natin na may magalit o matamaan sa ating sarili, ngunit bingyan tayo ng Diyos ng kalayaan sa pagpapahayag ng ating kaisipan dahil bahagi tayo ng mundo na ating tiniran. Hindi tayo dapat mahiya, wag rin natin ikahiya o maliitin ang gawa ng iba dahil karapatan natin ito kaya't ating panindigan din!

Saan nga ba nagsimula ang ating Panitikan?

Marahil dati na ay ginagamit ng mga katutubo ang Panitikang Pilipino upang ipahayag ang kanilang nararamdaman, dapat din nating malaman kung saan talaga nagumpisa ang mga ito. Madalas ay masasabi natin na galing sa mga katutubo ang panitikang pilipino, TAMA! nagsimula ito sa mga Negrito at Aeta. Narito pa ang ilan sa mga karagdagang kaalaman na aking nahanap. :)
Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.
Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula. Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin. Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.
nanggaling ito sa : http://www2.hawaii.edu/~ffloresc/Angkas~1.htm#Introduksiyon