Saturday, September 29, 2007

KRISIS

Pilipinas, ating ayusin muli.
ni: Maria Dominique P. Chua


Ano na ba itsura ng ating bansa?
Sa paligid-ligid mo, natutuwa ka pa ba?
Bakit nagkakaganito ang ating kapaligiran?

May magagawa pa ba tayo?


Munting mga bata, kawawa.
Araw-araw basura'y kinakalkal,
Edukasyon nila'y nababaliwala.
Dahil sa mistulang kahirapan sa buhay.


Ano na nga ba ang ating magagawa?
Maayos pa ba ang lahat ng ito?

Kelan pa? Buhay nila,
nakasalalay sa ating mga kamay.


Tara na't kumilos,
patungo sa kaginahawaan.
Kaunting Konsiderasyon at pagkakaisa,
Makababago ng buhay ng iba.


Buhay ay biyaya sa atin mula sa itaas,
Magtulungan tayo upang maayos
ang buhay ng iba.
Iaahon natin mula sa kahirapan,
Ang bansang ating sinilangan -- Pilipinas.




Pagpapalaganap:
Mistulang kakaiba na ang aking nakikita tuwing mapapatingin ako sa labas ng bintana ng aming kotse. Kahit anong gawin, may mga tao pa ring naghihirap sa buhay. Basura kinakain nila, dahil sa kakulangan sa pera. May nakikita pa nga ako na mga sanggol, bitbit-bitbit ng ina habang namamalimos sa kalsada. Ganito na nga ba ang pagtrato natin sa mga tao ngayon? May magagawa pa tayo sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbibigay ng kaunting bahagi ng ating mga biyaya. Bakit hindi natin sila tulungan, tao pa rin naman sila. Tratuhin natin sila kung paano natin tinatrato ang ating mga sarili. Wag natin silang maliitin dahil sa mahirap sila, mahalin natin sila dahil higit nilang kinakailangan ang isang kaibigan sa buhay para maging masaya. :)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home